Philpost issued new GMA stamps. In daily use, it was found unable to stick to envelopes. Sensing another anomalous deal, an enraged gloria demanded an immediate investigation. Findings showed: a) stamps were perfect order; b) there was nothing wrong with applied adhesive; c) people were spitting on the face side of the stamp.> > __________________________________________________
REPORTER: Madam President, kung buhay si Ninoy ngayon, siguro pangulo na siya.
CORY: Hindi siguro. Baka bilanggo siya, kamo.
REPORTER: Bakit naman po?
CORY: Baka napatay na niya si Kris.
__________________________________________________
JUDGE: Isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: Meron po. Pulis po ako.
------------ --------- --------- --------- -------
BETH: Halata na ang tiyan mo a. Bakit hindi pa kayopapakasal ng BF mo?
MARIA: Ayaw ng pamilya niya eh.
BETH: Sinong may ayaw--tatay o nanay?
MARIA: Yung misis niya.
------------ --------- --------- --------- -------
Quiapo Church : MRS: Lord, bigyan ninyo ako ng P1,000 kasi anak ko na sa ospital. (Narinig ng pulis, naawa, binigyan ng P500.)
MRS: Lord, next time huwag niyong ipadaan sa pulis,nabawasan agad.
------------ --------- --------- --------- -------
PASSENGER: Manong, bayad.
DRIVER: Saan to galing?
PASSENGER: Sa akin.
DRIVER: Papunta saan?
PASSENGER: Sa 'yo.
------------ -------- --------- --------- --------
Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!
----------- ---------- ------------ -- ------------
Job interview:Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
------------ -- ------------ ---- ------------ -
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo!
Jorge: Nabawasan agad ng 10 kls ang asawa mo?
Tomas: Hindi ang kabayo ang nabawasan!!
------------ ---- ------------ --- ------------ -
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
------------ -- --------- ----------- ----------
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano
-------- ----------- ----------- ------------
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
------------ ------------ ------------ --
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama :
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, pwede kanang bumalik dito!
************ ********* **
Dear Dodong, Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk ...
Nagmamahal, Nanay
************ ********* **
ANAK: 'Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng "cocomban".
TATAY: Ano ka ba naman! Hangga ngayong "cocomban" pa rin tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!
************ ********* ********* **
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di akonakauwi!
************ ********* ********
PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!
************ ********* ********* ******
At a funeral...
ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: "REMAINS WILL BE CREMATED."
************ ********* ********
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko ung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton "SUGAR FREE."
Tanga 1: Tange ka talaga, doon mo itanong sa sales lady!!!
************ ********* *******
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga?! Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!